“Nagkakaisang Pagdiriwang sa Buwan ng Wika: Pambansang Ugnayan para sa Kultura at Identidad”
[Agosto, Buwan ng Wikang Pambansa] – Ito’y isa sa pinakamahalagang pagdiriwang na iginugunita sa iba’t-ibang paaralan para magbigay pugay at parangal sa ating mga bayani na nagsikap upang magkaroon ang Pilipinas ng iisang wikang pambansa.
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong taon sa ilalim ng temang “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan, “ang Zamboanga Chong Hua High School Senior High School Department ay naghanda ng iba’t-ibang patimpalak para sa buong mag-aaral ng SHS.
Sa unang araw ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, Agosto 1, taong kasalukuyan, naghanda ang mga opisyal ng Lingusitics Club ng mga ‘trivia questions’ na nagaganap sa quadrangle kada umaga ng Martes pagkatapos ng Flag Ceremony, na may kaugnayan sa kasaysayan ng wikang pambansa. Ang mga mag-aaral na nakakuha ng tamang sagot ay nakatanggap ng kaukulang puntos sa asignaturang Filipino.
Sa ika-2 ng Agosto, ang isang (1) kinatawan ng bawat seksyon ay nagpakita ng kanilang talento sa pagdisenyo ng logo na naaayon sa tema ng Buwan ng Wika kung saan ang disenyo ng nagwagi ay gagamitin sa Club Shirt ng Linguistics Club. Ang itinanghal na kampyeon para sa ‘Logo-Making Contest’ ay si Khairil Adzlan B. Araji ng HUMSS 12-GARDNER.
Sa ika-4 ng Agosto, alas 9 ng umaga, naganap sa gymnasium ang paligsahan sa paggawa ng Poster at Slogan na may kaugnayan sa tema ng “Buwan ng Wika.” Ang Top 3 na nagwagi ay makakatanggap ng kaukulang puntos para sa kanilang seksyon at parangal sa darating na Panapos na Palatuntunan ng Buwan ng Wika.
Kasunod nito, sa ika-11 ng Agosto, ginanap sa silid ng HUMMS 11-Clarke ang “Tagisan ng Talino,” kung saan sa patimpalak na ito ay naipamalas ng mga kinatawan ng lahat ng strand ng SHS ang kanilang galing at talino sa asignaturang Filipino. Sa huli, ang hinirang na kampyeon ay sina Kirby J. Hassan at Roberto F. Lacida Jr. na nagmula sa STEM 12-HAWKING. Kasunod nila ay sina Nathalie T. Ramos at Clent Marc K. Quirante ng STEM 11-CURIE. Ang ikatlo, Kristine C. Baynosa at Janelle Isabella B. Javar ng STEM 12-MENDEL.
Samantala, sa ika-18 ng Agosto, muling nagpakitang gilas sa pagbabalita ang bawat seksyon ng Senior High School sa patimpalak na “Filipino Radio-Broadcasting” na kumakatawan ng pitong (7) kalahok; dalawang (2) News Anchor, apat (4) na Tagapagbalita (Balitang Nasyonal, Balitang Lokal, Balitang Internasyonal, Balitang Pangmalakasan) at isang (1) Teknikal. Ang bawat grupo ay binigyan ng apat (4) na minuto at tatlumpung segundo hanggang limang (5) minuto upang ilahad ang kani-kanilang presentasyon. Naganap ito sa loob ng AVR (Audio Visual Room) mula 1:00 p.m - 4:00 p.m ng hapon.
| (Larawan ni: Kyra Lim) Ang mga mag-aaral ng Baitang 12 mula sa HUMSS strand ay nag-kaisa upang ipagdiwang ang Buwan ng Wika. |
Sa kabilang banda, magaganap na ang “Culminating Program” at Panapos na Palatuntunan ng Buwan ng Wika sa ika-5 ng Setyembre mula umaga hanggang hapon. Kasunod nito, sa umaga ng nabanggit na petsa, magaganap ang aktibidad tulad ng Pasalitang Tula, Balagtasan, Tawag ng Tanghalan- Awit (Duet), Sabayang Pagbigkas, at Katutubong Sayaw. Sa hapon naman ay ang Pista sa Nayon at Amazing Race - Larong Pinoy. Kaya naman, muli nating tangkilikin ang mga nakahandang aktibidad nang sa gayo’y pagyabungin pa ang ating sariling wikang Filipino.
(Mga Larawan ni: Kyra Lim)
Sa kaliwang larawan ay isang mag-aaral na galing sa Baitang 11 ng STEM na nakilahok sa
kompetisyong “Balagtasan.” Sa kanang larawan ay si Lyka Galvez ng Grade 12-Mendel na
masigasig na binibigkas ang kaniyang tula sa patimpalak na “Pasalitang Tula.”
Mabuhay ang wika sa ating bansa. Wikang Filipino, Wikang Malaya!
References:
“ZCHHS SHS Linguistic Club.” (2023). Panuntunan Para sa mga Gaganaping Paligsahan at Aktibidad. ZCHHS SHS Linguistics Club 2023-2024. Retrieved from https://www.facebook.com/profile.php?id=100095411344825
“The Relevant Quibbler.” (2015, August 24). “Bakit natin ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika” The Relevant Quibbler. Retrieved from https://therelevantquibbler.wordpress.com/2015/08/23/bakit-natin-ipinagdiriwang-ang-buwan-ng-wika/
Comments
Post a Comment