Bakuna: Sandata sa Panahon ng Pandemya
Sa dami ng mga nangyayari sa bansang Pilipinas, at sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, ang natatanging solusyon maliban sa pagsunod sa mga initinalang protocols, ay ang pagpapabakuna. Ang bakuna ay isang simple, ligtas, at epektibong paraan upang protektahan ang ating katawan mula sa mga sakit. Lalong-lalo na’t kung patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID Delta variant. Ang pagpapabakuna ay makakatulong, sa kadahilanang maiiwasan tumindi ang paglaganap ng sakit.
Noong nakaraang Agosto 18, 2021, naitalang 10,820 bagong kaso ng COVID-19. Sa isang linggo, naitalang 12,636 ang kabuoan ng kaso. Abril ang buwan kung saan mas tumaas ang kaso ng mga positibo sa COVID-19, nang maimplementa ang pagbabakuna, ito ay unti-unting bumaba sa mga araw na lumipas. Ang bakuna ay tumutulong na hindi lumalaki ang peligrong dala ng COVID-19 sa ating katawan. Ito rin ay patuloy na may mataas na epektibong maiwasan at mabawasan ang magpa-ospital at kamatayan.
Sa taas ng epektibo ng mga bakuna, may mga bansa ang lumisan na sa pagkaka-lockdown. Nasa 93% ang nabakunang mga may-gulang na sa lugar ng Bhutan, dahil dito nagbukas na ang kanilang mga paaralan. Mga 60% ng populasyon sa Minnesota, USA, ang naitalang mga na bakunahan, at bumaba sa kalahati ang mga nagpapa-admit sa ospital at pati na rin ang mga ICU cases ay bumaba. Sa bansang Scotland naman ay aabot sa 3 milyon ang nabakuna, katulad rin ay bumaba ang ICU cases. Ang bansang Belgium ay wala ng mga lockdown, kanilang binuksan muli ang mga sinehan, at mga kainan at bars. Nang dahil sa bakuna nakamtan ng kanilang mga bansa ang mga ito, pawang sila ay unti-unti nang bumabalik sa normal na pamumuhay. May iba pang mga bansa ang nararanasan na rin ang mga ito, dahil sa patuloy nilang ipinapabakuna ang mga mamamayan ng kani-kanilang bansa.
Ang Pilipinas ay nakapagbigay ng 29,127,240 na dosis ng COVID vaccines sa mga mamamayan. Sa bawat tao ay dapat na makatanggap ng dalawang dosis, sapat itong bakunahan na aabot sa 13.5% ng buong bansa.
Kung ninanais nating bumalik sa normal ang senaryong ng ating mga buhay, nararapat lamang na tayo ay magpabakuna, at isa pa ay sundin ang mga intinalang protocol ng ating gobyerno at ng DOH (Department of Health). Ang pag-iiwas ay mas mainam kaysa sa lunas.
Source:
Worldometer (2021, Agosto 20)https://www.worldometers.info/coronavirus/country/ps/hilippine
World Health Organization. (2021, Hulyo 19). Vaccines and Immunization: What is vaccination?. https://www.who.int/news-room/q-a-detail/vaccines-and-immunization-what-is-vaccination?adgroupsurvey={adgroupsurvey}&gclid=CjwKCAjwgviIBhBkEiwA10D2j1kPDbJxJYn4xeqeD9EVALU7z4FxFYtyj1AbcJNH0PJrXHyJf_GtXxoCzkYQAvD_BwE
National Center for Immunization and Respiratory Diseases (NCIRD), Division of Viral Diseases. (2021, Agosto 16). Benefits of Getting a COVID-19 Vaccine. https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/vaccines/vaccine-benefits.html
Comments
Post a Comment